Kahapon (December 21 ata kahapon...hindi ako aware)pumunta kami ni kuya sa mall para tumingin ng mga pang-regalo sa inaanak nya. Don kami pumunta sa department store sa KIDS section... naghahanap ng luto-lutuan para sa pamangkin kong si Bea. Sa aming paghahanap ay natuwa naman ako sa aking mga nakita... feeling ko bumalik ako sa pagkabata at ako'y nagnais muli na magkaroon ng mga bagong laruan.
Natuwa ako sa mga kulay at disenyo ng mga laruan ngaun... yung tipong hindi nauso noong bata pa ako. Naisip ko na lang bigla na bakit hndi sila nauso dati... panget naman sigurong maglaro pa ako ng mga ganong klaseng mga bagay sa ganitong edad.=)
Isa sa mga nakita ko na hindi ko makalimutan ay yung cake makin' station na laruan... kung hindi ako nagkakamali... nagkakahalaga ito ng humigit kumulang sa P900. Naakit talaga ako sa laruan na iyon at kabigha-bighani din ang kanyang presyo.
Sa aking pagkatuwa ay nagobserba pa ako sa ibang mga laruan na nakadisplay don at karamihan sa kanila ay ginto ang mga presyo. Sabagay, nasa mall nga pala ako at tahanan yun ng mga may laman ang bulsa.
Sa huli, naisip ko pa rin na maswerte ako at hindi sa mga ganong klase ng laruan ako nasanay. Siguro, kung ganon ang aking nakasanayan ay tinamad na akong mag-aral at matutulog at maglalaro na lang ako sa tabi ng aking mga laruan.
-i2 ang unang beses qng ngsulat dito ng hndi 2ngkol sa mga naisulat kong tula at kwento... sa uulitin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)


No comments:
Post a Comment