Monday, December 27, 2010

The perfect and right shoes for me! Yeah!

Kahapon (December 27, 2010) pumunta ako ng Sta.Lucia East Grand mall para bumili ng sapatos. May target na talaga akong bilhin don... yun yung doll shoes na may lace sa artwork. Yun yung una kong pinuntahan don. Ito ang naging usapan namin nung saleslady.

aq: (hinawakan ko yung shoes) miss, my color pink ba kayo nito?
saleslady: ay wla miss, black and gray lang po yung available namin. (tapos nagturo sya ng ibang shoes.) ito miss my color red kami nito.

sinabi nya yun kahit hindi ko tinatanong... sabagay tama naman talaga yung ginawa nya.

aq:ah ganon po ba...? sige thank you na lang po.

Umalis ako sa artwork at pumunta sa katabi nitong stall, ang Genevieve. May mga shoes sila don at color pink pero hindi ko nagustuhan ang design kya pumunta ako sa department store. Nakakita ako ng shoes don, maganda naman sya at bagay sa paa ko... pero hindi ko binili kasi may tali sya... kung nka pants ako... hindi makikita ung design nung shoes. Kaya lumabas ako at dumaan sa Bclub at may shoes don na color pink. hot pink ang color nya na target ko talaga dahil ipapartner ko sya don sa bag kong ganon din ang kulay. Masyadong simple yung design ng shoes and common na rin kaya hindi ko binili.

Nagdecide ako na pumunta ng Robinson's metro east kasi magaganda rin yung shoes don. Dumiretso ako sa department store at sa aking paghahanap ay may nakita akong pink doll shoes. Made of kunwaring croco skin and simpleng tali lang sa likod nung shoes nung design. Sakto lang! I ask yung kuya na bigyan nya ako ng size 6. Ang tagal kong hinintay yung kuya na balikan ako tapos sinabi na lang nya na:

kuya: Maam, wala na po kaming size 6, size 7 na lang po.

Nalugmok talaga ako don sa sinabi nung kuya. hai...
Tapos naghanap pa ako ng ibang shoes don sa department store nakakita ako ng shoes don... dead rose naman ang color... maganda sya at unique ung design. Nung sinukat ko yung size 5, masikip sakin. Nung sinukat ko naman yung size 6, maluwang naman sakin... so double lugmok na yung inabot ko. Kaya nagdecide na lang akong bumalik ng sta.lu para bilhin na yung first choice ko. Yung artwork na shoes.

Sa aking pagbabalik, sabi ko don sa saleslady na pakuha ako ng size 6 ng black and gray. Sa pagbalik naman nung saleslady, sabi nya wala ng size 6 sa black kaya yung gray lang yung dala nya. Sinukat ko yun kahit masama ang loob ko, nahirapan pa akong isuot dahil don sa tali at nung natapos na akong magsukat... narealize kong hindi ko gusto yung ganong shoes... nakikita kasi yung guhit ng daliri ko sa paa. Naging honest ako don sa saleslady at sinabing hindi ko kukunin yun. Triple lugmok na ako.

Bumalik ako sa Bclub para bilhin na rin yung nakita kong shoes don... inabutan na ako ng dilim at wala pa rin akong nabibiling sapatos. Sa pagpasok ko don sa store nila, sabi ko kay kuya:

aq:Kuya, pakuha nga akong size 6 nito.

Kuya: Ay maam sori, last size na po namin yang 7.

aq:(fourth lugmok na ako)ah gnon ba? sige salamat na lang.

Pagod na talaga ako ng time na yun at gusto ko nang umuwi.haizt!

Bumalik ulit ako ng department store para bilhin yung nakita ko don. Isa lang yung saleslady na kumbaga representative ng FINICKEE kaya naawa ako kay ate kasi pabalik-balik xa kakakuha ng sizes ng customers. So habang wala pa sya, sinukat ko uli yung shoes na nagustuhan ko. Size 5 yung naka display don at sakto sa paa ko.3 colors yung naka display don, black, blue and beige. Hindi ko pinili yung blue kasi mahirap bagayan. Yung black naman masyadong common kaya beige ang pinili ko. Nung bumalik na yung saleslady na bigyan nya ako ng size 6.

pagbalik nya ulit:

saleslady: maam, wala na pong size 6. try nyo po itong size 7 (size 7 yung dala nya.)sinukat ko yun at tiningnan ko sa salamin yung paa ko suot ang sapatos na yun.Medyo maluwang sakin yung size 7 nila pero wala naman masyadong problema kasi may tali nga yung shoes (hindi ko masyadong maexplain). Umupo muna ako at hinintay ulit ang saleslady na busy sa storeroom. Nakapag decide kasi ako na size 5 na lang yung kukunin ko. Sa aking paghihintay ay tinanong ako nang isang babae na bumibili rin ng sapatos.

Ale:Magkano yan?(tinuturo nya yung shoes na pinili ko)
aq:600 po.
Ale:Bagay sya sa'yo kasi maputi ka.
aq:(Flattered)(ngumiti lang ako)

Pagbalik ulit ni ate sinabi ko sa kanya na size 5 na lang ang kukunin ko at bumalik ulit sya sa storeroom kasama ang request ulit ng iba pang customers.

Pagbalik nya ay dala na nya ang size 5 at sinabing last pair na yun. Sinukat ko sya at kinuha ko na.

Grabe... more than 2hrs akong nagsearch para sa isang right and perfect shoes!hehehe...pero ayos lang lahat ng pagod ko dahil worth it naman lahat. At the end of the day, parang hindi ako napagod at saya lang ang naramdaman ko nung araw na yun.

<3=)




No comments:

Post a Comment